Musikalayaan, Musikalawakan, Musikababawan at Musikalokohan

ni Harlon Pasion Agsaoay

Music produces a kind of pleasure which human nature cannot do without.” – Confucius

Masarap tumugtog. Para sa mga musikerong katulad ko, ecstatic ito. Parang sex. Hindi nakakaumay. Pero pagdating naman sa mismong eksena ng mga rakista o musikero dito sa Pinas, madaming isyu. Medyo may mga ‘di nagkakatugma. May nagbabangayan, may nagbabatuhan ng kuro kuro, may di nagkakasundo. Walang gaanong pagkakaisa. Pero hindi na siguro dapat magsisihan, lalo lang gugulo. Naghihingalo na nga yung eksena mag babanggaan pa tayo. Maturity is the key para maayos ang lahat ng bagay bagay, hindi yung naghahanapan ng butas.

Idaan na lang siguro yan sa nationwide discussion o open forum, kung saan ang lahat ng side magsasalita. Break the barriers, no discrimination, at bigyan ng tsansa ang lahat, malaki ka mang pangalan o nag uumpisa pa lang. Sa tingin ko nga pwede ring gamitin ang page ng Facebook para sa pakikipagtalastasan ng kurokuro sa estado ng musikang Pinoy (wala lang sana mang-troll). Madami kasing dapat mapag usapan, kagaya ng mga paraan to distribute music effectively, how to counteract piracy, at kung ano ba talaga ang matutulong ng iba’t ibang sektor para maramdaman naman ng mga musikero na nabibigyan sila ng pansin, at karapatan.

Sincere naman siguro yung mambabatas na si Ifugao representative Teddy Baguilat sa OPM bill nya, kung saan magkakaroon ng Reciprocal Equity Fee ang mga foreign artists tuwing magpeperform sila dito, pero dapat inalam nya muna kung mayroon pang mas epektibong paraan para makatulong talaga ang gobyerno sa mga nanlilimahid na mga musikero natin ngayon. Dapat makita nya ito first hand, dahil sa tingin ko, mas mayroon pang epektibong paraan kesa yung sinusulong nyang batas. Hindi makakatulong ang pan-tatax sa mga foreign arts, dahil sa tingin ko, wala rin namang patutunguhan yun. May mga pupunta pa rin ditong banyagang musikero, at ano ang sense ng batas na yan? Para madiscourage silang pumunta? Katangahan naman yun, ‘di naman talaga yung foreign music at root cause ng problema namin ngayon. At isa pa, mas maganda pa siguro kung ang batas na ginawa nya e  i-regulate na lang yung bilang ng mga foreign acts na dumarating sa bansa,  kesa naman sa pabayaran ng equity fee na sinasabi nya. Kumbaga, papuntahin yung mga foreign acts na “worth it” talaga tumugtog dito (although alam natin na depende naman sa organizer ng concert kung ano ang kukunin nyang artist, pera pera din naman labanan dyan)

Ang masasabi ko lang, hindi rin naman kasi talaga basehan yung radyo o telebisyon ngayon para makita kung gaano ka-diverse ang musikang Pilipino. Huwag tayong  bumase sa kung ano mang pacontest sa giant networks na pinapalabas para makita kuno yung talento ng mga Pinoy. Ang ilan sa napakaraming  tunay na magagaling na musikero, tumutugtog sa bars o sa anumang venue kung saan mas nahahasa nila yung craft nila, at malamang sa malamang e, hindi naririnig sa mga generic radio stations  yung mga awitin nila. Sana mas maging open minded ang gobyerno natin sa mga ganitong sitwasyon (Yun e kung gusto talaga nilang tumulong).

Isa sa nakikita kong problema sa mga musikero, hindi tayo ganun ka-united. Masyadong malaki yung faction or agwat natin sa isa’t isa. Imbis na inaayos yung problema e nag aaway pa. Masyado ring may barriers pagdating sa genre ng musika dito sa ‘Pinas. Kunwari sa isang malaking event, sa benteng tutugtog na mga banda, 18 dito e metal, tapos yung dalawa lang ang medyo naiba. Paano magkakaroon ng diversity nyan kung ang organizers mismo ng gig e hindi open minded. Kumbaga sa tingin ko, may gap ang mainstream tsaka underground na eksena. Marami dyang nagmamaasim, maraming naghahatakan pababa (yung tipong nag-aaway sa billing ng gig, nagsisiraan sa social network, at kung anu ano pang kababawan — hindi lahat ng musikero ganito, alam natin yan, karamihan sa kanila positive vibes lang at sobrang sinusuportahan yung eksena — kaso may mga tao rin talagang maere, nagmamagaling, at wala talagang pinagkatandaan) , o may pansariling interes. Sana matigil na ‘yung ganyan. Kasi ang musika naman e nababase sa panlasa. Sana nga.

 

Advertisements

2 Comments

  1. Siguro okay rin kung magkaroon nang mas maraming mga music festivals (na sana ay gov’t funded at non-discriminatory) na mag-ooffer nang diverse selection of artists. Isang way na rin yun to promote tourism eh. 🙂

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s